May 4th, 2006

My Parents

Current LSS ang... DaniCalifornia by Red Hot Chili Peppers
State: natatawa..

6 uy nag-comment!

April 25th, 2006

Why NOT show 'Da Vinci'?

Why are we showing "Da Vinci Code" in the Philippines when we are a Christian nation? Aside from the errors he committed in art and historical fact, Dan Brown presents Jesus Christ as a mere man whose divinity is determined by man's election. This is very much against our Christian belief--I would dare say even blasphemous.

As a Catholic, I am calling on MTRCB and all Christian communities and the Catholic Bishops' Conference of the Philippines, to do everything possible to stop the showing of "The Da Vinci Code" here. Or at least provide the faithful with guidelines as to how it should be digested.



NAIRITA TALAGA AKO pagkabasa ko nyan sa Philippine Daily Inquirer. Sa totoo lang, hanggang ngayon naiirita parin ako.

Why are we showing "Da Vinci Code" in the Philippines when we are a Christian nation?

Why should we NOT? Oo, kung pagbabasehan ang nakararami, Christian nation nga ang Pilipinas. Pero hindi ibig sabihin noon na bobo tayo. Bakit, dine-determine ba ng pagiging Christians natin ang papanoorin/kakainin/babasahin/susuotin/etc. natin? Masusunog ba ang kaluluwa natin sa impyerno kung nanood/nagbasa tayo ng mga materyal na nagko-contradict sa mga paniniwala ng religion natin? Aba, kung ganun nga, matagal na pala tayong iniihaw sa impyerno.

Lumaki ako sa angkan ng mga debotong Kristiyano, at nagagalak akong sabihin na hindi ito naging dahilan upang maging sarado ang utak ko. Nabasa ko na ang Da Vinci Code at kahit gaano pa kapani-paniwala o HINDI kapani-paniwala ang mga ipinakita nyang 'facts' ay na-enjoy ko parin ang libro.

As a Catholic, I am calling on MTRCB and all Christian communities and the Catholic Bishops' Conference of the Philippines, to do everything possible to stop the showing of "The Da Vinci Code" here.

As an individual gifted by God with a brain and free will and as a citizen of a democratic country, I am deeply offended and annoyed by your "call". Natatakot ka ba na mase-sway ng pagpapalabas ng Da Vinci Code ang paniniwala mo sa Diyos? Eh bakit kailangang buong Pilipinas pa ang makisalo sa dilemma mo? Bakit kailangang pigilan din kami mula sa panonood nito kung gusto namn namin yung kwento? Kung ayaw mong panoorin ang Da Vinci Code dahil naniniwala kang ito ay"very much against our belief--I would dare say even blasphemous", edi wag mo panoorin. The showing of Da Vinci Code in the Philippines is merely an exercise of our faith in God. If we really are a Christian nation (spiritually, hindi lang sa pangalan o sa statistics), why should we be alarmed? Kung susundin ka ng MTRCB o CBCP, malulungkot ako dahil pinapatunayan lang nito na we are a nation of close-minded people.

Or at least provide the faithful with guidelines as to how it should be digested.

Parang sinabi mo na rin na relative terms ang bobo at faithful. Sinusulat ang mga libro at ginagawa ang mga pelikula para sa mga taong may kanya-kanyang paniniwala at pag-iisip. Kung ganun, bakit kailangan natin ng guidelines kung paano "i-digest" ang kwento ng Da Vinci Code? Para pagkatapos nating mapanood yung pelikula eh pare-parehas tayo ng magiging judgment ukol dito? Papasok tayo sa sinehan na mga Kristiyano at depende nalang sa katatagan ng paniniwala natin sa Diyos kung paglabas natin ay ganun parin tayo.

Siguro hindi mo pa nababasa yung libro. Ganun pa man, hindi kita masisisi, sariling opinyon mo yan eh. Pero wag mo kami (a.k.a. gustong manood, ayaw manood, ok lang na manood, walang pakialam, etc.) idamay sa gusto mo.

Pero kung nabasa mo na yung Da Vinci Code, siguro hindi mo nabasa yung nakasulat sa spine ng libro.

"Fiction"

##########
The aforementioned is a by-product of my rattled brain. Reading a certified writer's article on the Da Vinci Code controversy would be better.

23 uy nag-comment!

April 24th, 2006

ChowKing Halo-halo: A Study Update



"Sa Sabado? Ok."


TWANG! (nabitawan ang baso)


Tuloy ang kwento..

Natapos ako sa dentista ng mga bandang lunch time na, kaya naisipan kong mag-ChowKing Halo-halo. Sobrang init kasi nun eh.

Una kong pinuntahan na branch yung nasa Pedro Gil, katabi ng McDonald's at Expressions. Tsk..tsk.. Parang hindi ko gusto ang vibes sa loob. Lumabas nalang ako at napag-isipang pumunta sa Robinson's. Pupunta lang din akong mag-isa sa magiging paaralan ko sa pasukan, edi mag-ikot na din.

Nilakad ko muna simula Pedro Gil hanggang Padre Faura. Ang tanga ko talaga, hindi ko man lang naisip na may entrance sa Pedro Gil! Nung nakarating na ako sa loob ng Robinson's, medyo naligaw muna ako...at medyo nagpaligaw papuntang Powerbooks. Gusto ko kasi puntahan yung Powerbooks dun sa Robinson's. Sulit naman yung pagpunta ko dun, kasi mas maganda pagkakaayos ng mga libro dun kesa sa National Book Store.

Natuwa ako nung nakita ko yung Greenwich. Meron kasi akong teorya na kung saan may Greenwich, andun ang ChowKing. pero mali ako eh, sabi nung guard nasa taas pa.

Mabagal ang service sa ChowKing Rob's kasi maraming tao. Pero masarap rin naman yung Halo-halo. Pasado sa panlasa ko!

The search for the best ChowKing Halo-halo goes on...


##########
Sorry kung minadali. Kim Sam-soon na!!!!

P.P.S.
Si Mikee, Kim at Matt pala ang pambato ko sa PBB Teen Edition.

3 uy nag-comment!

April 20th, 2006

O Times ng Buhay Ko!

Nasa Manila Times Village ang kabilang entrance ng school namin; at Manila Times Street (o "Times" lang) ang aming kaharian.

Kung ang ibang universities ay may mga University Mall, aba, kami namang mga Perpetualites ay merong Times Street! Sosy nga ang pangalan eh, parang Times Square. Hehe. Ito ang nagsisilbing mall, waiting shed, parking lot, boxing ring, palengke, atbp. naming lahat, preschoolers hanggang sa mga nasa graduate school.

Walang pang-costume? Andyan lang ang Rubill's, Mel-mon, Xxxxx, Yyyyy at Zzzzz para sa iyong presentation needs. [Hindi ko na maalala yung pangalan ng iba.]

Tinatamad pumunta sa SM para mamili ng pang-project? Aba, isang punta lang sa Little Town, solb na ang mga problema mo! [Although mas mare-recommend ko ang round-trip sa buong Times para makamura ka.]

Nangangati nang mag-DoTA, YM at Internet pero walang budget? Diretso ka lang sa Kuya's Internet Cafe para sa iyong techie desires! [Actually wala namang pangalan yon. Pag pumasok ka kasi ang maririnig mo lang ay "KUYA pa-print ng ganito ganyan!", "Colored po yan ha KUYA!", "Ano ba naman yan KUYA, hindi ka ba nalulugi sa singil mo? Tenkyu!"]

O baka naman nagugutom ka na? Haynako. Ang masasabi ko lang, tiba-tiba yung mga nagtatayo ng fastfood chains sa lugar namin kasi parang lagi kaming gutom. Halos lahat na ng pang-masang pagkain nasa Times na ata! Syempre hindi mawawala ang mga bigating pangalan tulad ng KFC, Shakey's [na minsan nagiging Pizza Hut], Chowking, Greenwich, McDonald's, Dunkin Donuts, Mister Donut at Daisee's Bakeshop [baka mabasa nila ito at mabigyan ako ng reward]. Dun mo din makikita ang Tatay's Provent [na nagmula sa salitang proven na galing sa pruben na nag-stem naman sa salitang proben pero lahat yan ibig sabihin piniritong balat ng manok.], Nanay's Chicken [mahigpit na kalaban ng KFC at P35 per chicken-and-rice meal], Kuya's Kwek-Kwek [5pm onwards only], Ate's Lumpia [with matching Tropicana] at Baby's Bopis [para kumpleto pamilya; pakulo ko lang yung mga pangalan kasi wala naman silang pangalan].

Sa hinaba ng introduction ko, ang gusto ko lang naman gawin sa article na ito ay ilahad ang Pitong Pagkaing Hindi Ko Kayang Mawala Sa Mundo. Hehe. Nabasa ko kasi yung isa sa mga Sandosena entries ni Kuya Ronnie, entitled Sandosenang Pagkain. Malamang, naaliw ako at naisip ko ang mga pagkaing hindi ko rin kayang mabuhay pag nawala sa mundo. Sa tagal ko sa Times [or rather, sa Perpetual], malamang beterano nako sa mga pagkain dito. Inuulit ko, kahit madami akong gustong pagkain, ang mga sumusonod na paborito ay nasa "Times Division", iba pa ang Sm Division, ATC Division at Others.

***


Pagkaing Hindi Ko Kayang Mawala Sa Mundo a.k.a. PHKKMSM #7: Stick-o. Naniniwala ako sa scientific fact na nakaka-induce, kahit paano, ng "happy feeling" ang tsokolate sa tao. Kaya naman pag malungkot ako, kumakain ako ng pinakamurang form ng tsokolate: Stick-o. Pero kumakain din ako nito kahit hindi ako malungkot. Actually For All Seasons nga sya eh, wala akong pinipiling oras. Hindi kasi tuyo yung tsokolate sa loob ng stick-o kaya nagustuhan ko sya. Para bang Pillows, kahit pano may malalasahan kang tsokolate, hindi tulad ng Loaded na puro hangin lang ang sasalubong sa bibig mo. Minsan sinasabayan ko rin ng pagbili ko nito ang Chocnut at Milk-o na pulburon [ayoko sabihing "pol-vo-rrron"].

Pandagdag: Mahilig din pala talaga ako sa gatas. Nung bata ako, mga 5 years old, ayoko parin talaga uminom ng gatas sa baso, gatas sa feeding bottle parin talaga ang hinahanap-hanap ko. Natigil lang ang kalokohan ko nung isang beses na aksidenteng [o sadyang??? hmm..] nabigay sa `kin ng nanay ko ang feeding bottle na may panis na gatas. Yak.

PHKKMSM #6: Nagaraya Original. Palagay ko nagmana ako sa tatay ko, kasi parehas kaming mahilig sa mani. Bukod sa kasoy na talaga namang paborito ko, itong Nagarayang yellow ["Ate hindi pwede yung Adobo brown! Yellow dapat! YE-LLOW!!!"] talaga, walang makakatalo! Hindi siya nakaka-uyam [o umay ba?] tulad ng ibang mani. Ito din pala ang tinuturing kong "survival food" pag feeling barat ako. Haha! Pasurva-"survival food" pa, ang totoo naman walang pera.

PHKKMSM #5: ChowKing Nai Cha. Nasabi ko na bang mahilig ako sa gatas? Kapag naghahanap ako ng matamis, pero ayoko kumain, Nai Cha ang binibili ko. Mabigat kasi sa pakiramdam yung Rootbeer/Coke/Sprite Float ng McDo at boring naman kung C2 lang. Kaya nai Cha ang "survival drink" ko. Hindi rin naman siya lumalagpas ng P50 eh. Hehe.

PHKKMSM #4: Kuya's Kwek-Kwek. Mahilig din pala ako sa itlog. Haha! Andami kong paboritong pagkain! Pero balik tayo sa itlog. Naalala ko nung bata pa `ko, halos araw-araw nang itlog na bilog [o sunny side-up] ang ulam ko. Syempre natakot na ang Nanay ko, baka daw makasama... sa ref namin kasi mukhang mauubos ko na daw yung itlog. Kaya ayon, sinabi nalang niya na araw-araw akong magkakasakit at manghihina dahil sa itlog.

Asus. Parang may nagawa naman yung sinabi nya. Medyo malas pa nga siya kasi nauso yung kwek-kwek. Pero nako masyado nagi-itlog na bilog ngayon kasi nakakatamad magluto at magligpit. pero nilalagay ko ang itlog sa noodles, atbp.

Balik naman tayo sa kwen-kwek ni Kuya [andaming Kuya sa Times, marami ding Ate]. Mura kasi, P10 may limang kwen-kwek ka na. Oks din yung lasa nung sawsawan nya, hindi nakaka-"huh?"! Kaso nga lang, pag bibili ka dito, siguraduhin mong paalalahanan si Kuya na "Kuya, yung bagong luto ah!"

PHKKMSM #3: KFC Chicken Steak. Ito ba talaga yung tawag dun sa mga chicken fillet na tigte-P30 lang? O basta yon. Siguro sa mga oras na 'to napansin mo nang puro mura yung binibili ko, kasi barat naman talaga ako. Hindi ko kaya mawala ang pagkaing `to kasi mura talaga sya, oks naman ang lasa, at pwede mo pang lagyan ng gravy kahit ilang beses mong gusto. Isa pa, di sobrang alat nung gravy ng KFC [di tulad ng sa McDo]. Kami pa nga lagi ang nakakaubos nun eh. ito rin pala ang dahilan kung bakit madalas akong malibre ng mga kaklase ko, kasi nga mura sya. Haha.

PHKKMSM #2: McDonald's Meal #5. Ano ba tawag dun? Burger Meal, Big Meal o ano? Lahat naman kasi ng bumibili "Miss/Ate/Kuya, isang number [1-6]!" lang ang sinasabi.

Mahilig ako sa keso at boring para sa akin ang Burger McDo Meal lang. Ano ba yon, parang tumpok lang ng karne na nilagay sa gitna ng dalawang tinapay tapos sinamahan ng ketchup na hinaluan ng mayonnaise. Pero ang cheeseburger? Hay heaven! Ansarap sa panlasa nung keso at oks din yung kombinasyon nung pickles at sibuyas. Naiiba talaga.

Malamang din, may French Fries na kasama yun. Iba talaga ang French Fries ng McDo eh. Yung asin lang ba yon o ano? Tuwing kumakain ako nito sinasawsaw ko sa pinaghalong ketchup at gravy. Mas malutong, mas masarap. Yumyum.

At syempre...[drumroll please]

TA-DAH! PHKKMSM #1: ChowKing Halo-halo Petite! Naniniwala akong naiiba talaga ang lasa ng halo-halo sa ChowKing Times. Siguro dahil magaling lang talaga yung tagagawa nila, marami sila maglagay ng sahog at gatas, o magaling lang talaga yung tagagawa nila dahil masama na ang tingin ko sa kanya.

Naaaliw ako sa ChowKing Times dahil mabilis ang service nila dito. Kung mapabagal man ng onti, understandable naman kasi andaming tao dito, lalo na pag summer! Makikita mo, lahat, kumakain ng halo-halo.

Nung bata ako ayoko talaga ng ChowKing Halo-halo. Pano kasi, saksakan ng onti yung sahog at hindi mo pa nauubos, puro tubig nalang ang nalalasahan mo. In short, tubig ang inorder mo. May ice cream pa nga yung akin nun, kaya mas lalong hindi ko nagustuhan. Simula nung panahong yon, nasa blacklist ko na ang ChowKing Halo-halo.

Pero isang mainit na tanghali sa Times Village, lumabas nalang bigla sa utak ko ang halo-halo. At dahil alam kong wala namang ibang nagbebenta ng halo-halo sa Times maliban sa ChowKing, dumiretso nako dun kahit alam kong may trauma na ako sa halo-halo nila [feeling seryoso].

Buti nalang ginawa ko yun! Kasi kung hindi ako bumili dun, hindi ko makikilala ang PHKKSM #1 ko: ChowKing Halo-halo ng buhay ko! [Ang layo na sa title].

Pero ngayong sa UP Manila na ako kung saan mapapalibutan ako ng sandamukal na 7-11 sa Pedro Gil at iba pang fastfood chains, mahaharap nanaman sa pagsubok ang tibay ng bulsa ko. Wahaha. Taft-Faura-P.Gil food, here i come!!!


##########
Kahit na sa ibang lugar na ako mag-aaral, babalik-balikan ko parin ang ChowKing Times Halo-halo dahil dito lang ako may tiwala. [Yihee, baka may talent fee!]

4 uy nag-comment!

« Newer | »