April 9th, 2006

Nagbabalik




Laking SM ako, kaya pagkatapos ng mistulang tatlong taon sa Pagudpud, naiintindihan ko na ngayon na hindi talaga ako para sa rural life.

Pero ayus naman yung napuntahan namin, masakit lang talaga sa salumpwit yung biyahe. Papunta sa tutulugan namin, nagfeeling Bob Ong ako nung nakita ko ang mga sumusunod:


We Repair: Mitsobishi, Fuzo, Isozo
Somewhere Bangus Shop

O yan lang muna. Di ko pa maalala yung iba sa ngayon eh. Hehe.

Tumuloy kami sa isang nagngangalang Wil-Jan's Beach House: 5 aircon bedrooms, unlimited water supply, ample parking space, videoke renting, eatery, etc. Oks naman yung lugar, kaso naghihingalong aircon yung napunta sa kwarto namin. Apat na beses [o lima?] muna siyang namatay at dalawang electric fan muna ang dinala sa kwarto namin bago nakumbinsi yung caretaker na palitan na nga ng tuluyan yun ng ibang aircon unit. Hindi rin pala totoo yung unlimited water supply, kasi nung naliligo ako patigil-tigil yung labas ng tubig; pero totoo yun kung lalabas ka at ibabaling ang tingin mo sa napakalawak na bagay na tinatawag nilang dagat.

Pero oks yung beach, kahit 20 meters ka na mula sa shore hanggang waist parin yung tubig. Natakot nga ako kasi baka may umaaligid-aligid na mga sea creatures. Hehe. Nung bata kasi ako masyadong hyper ang imahinasyon ko: Pag nagsiswimming kami sa pool ng tatay ko at nakita ko na yung drainage sa gilid, sisigaw nako ng "Ahhhh! papa! Ahon na tayo!! May aangat na balyenaaaaaaah!!!". Paranoia.

Anyway, masaya ako na nagbalik na ako sa piling ng aking pinakamamahal na kama! Waaaaaaaa!

##########
25 shots yung film na binili namin. Siguro mga 5 lang dun yung may mukha ko; 3 yung may mga kasama kami ng ate ko at yung iba puro sya na-- naka two-piece, nakadapa, nakatayo, nakatalikod, may waves, walang waves, may bulaklak sa tenga, walang bulaklak sa tenga, at meron ding occasional thumb ko sa corner [sadya]. Hehe. Pag-uwi namin kanina, habang kumakain, sabi nya kay Mama nasulit naman daw namin yung film kahit naubos namin yon. Nyahahahaha.

uy..comment daw!

April 6th, 2006

Babay For A While

Is reading... "uu nga pala.. nakalimutan ko.. incoming ka pala.."

2 uy nag-comment!

April 4th, 2006

Welcome to the Jungle!


GANITO ang paningin ko habang binubuhat ang sako na pinadala sakin ni Mama habang namimili sya.

MATINDI ang jungle na sumalubong sa akin kanina pagbaba namin ng nanay ko ng jeep. Grabe, pagtapak na pagtapak ng paa ko sa mainit na semento ng Divisoria naramdaman ko na ang parating na panganib..

Pumunta kami ni Mama sa Divisoria pagkatapos i-submit ang reply slip sa UP-Manila. Sabi nya, kung dalawang taon akong magsi-civilian, at kung ayaw ko daw magtiis sa pare-parehas na damit sa isang linggo, mamili na daw dapat kami ng mga "survival clothes". Yung tipong, pwede na pangaraw-arawin. Ayun, namili na kasi sya ng maraming spandex [na alam kong haharbatin lahat ng ate ko kasi hindi ako mahilig dun] nung isang-araw. Bibili naman daw kami ngayon ng pambaba ko.

Grabe, first time ko palang sa Divisoria, napasabak nako! Nagfa-flash na sa utak ko yung mga related titles: Babe, Sheep in the Big City, The New World. Dun mo talaga maa-apply yung tagline ng Chowking: Daming choices. Affordable. Makikita mo dun ang mga bagay na pwede at hindi mo pwedeng maimagine na nandun: simula sa mga bag, damit at sapatos hanggang sa mga wholesale na jackstone, pangkamot sa likod, bakyang may spikes at plastic na tigte-ten pesos lang. Andun din yung mga nanghuhula [Kapalaran Mo Hula Ko. P25 only!], gusaling sunog at batang lalaking pinaiihi ng nanay sa manhole sa pinakagitna ng intersection.

Ang nakakagulat, masaya akong umalis sa jungle na yon. Para kasing mas nararamdaman ko na na, "Shocks, ito na ang magiging battlefield ko pagdating ng June... Ting! FIGHT!!!"

Pero bago yon.. bibili muna ako ng Tito, Vic and Joey T-Shirt sa SM. Ayokong mabuhay sa spandex [na puro pink]. Ako pa?!

#########
We're living it up
Make this night ours
We own the world
I wish this lasts forever
Alone with you tonight
Further in you feels so right


{First of Summer, Urbandub]

3 uy nag-comment!

April 1st, 2006

Di-Si-Es

1 uy nag-comment!

« | »